AUGUST 21-2014 PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Thursday, 21 August 2014 18:20
IMG_1770
 
Congrats PLM Taguig for the community feeding program! PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Monday, 04 August 2014 11:20
1
 
Discussion Paper PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Saturday, 02 August 2014 05:29

 

SONA ni Pangulong Aquino: Pagsasakdal sa Elitistang Paghahari sa Bansa

 

1. Sa katatapos na Sona, ang nasasakdal ay hindi lamang ang pangulo ng bansa. Hindi lamang si Pangulong Aquino. Ang nasasakdal ay ang buong sistema ng elitistang paghahari sa bansa. Isang sistema na palyado at walang maibigay na solusyon sa anumang problemang kinakaharap ng masa at ng bayan.

 

2.  Ang Sona ay isang pagtitipon na ganap na nalalayo sa buhay ng masa. Makikita ito doon pa lamang sa fashion show na naging uso na bawat Sona. Hinuhubaran nito ng anumang palamuti ang katangian ng ating gobyerno. Ibinabando nila na sila raw ay mga kinatawan ng masa. Pero nagpaparada sila na parang mga nobilidad – mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa – sa kanilang magagarbong terno, barong at amerikana na ang presyo ay maaari nang magpakain sa isang libong palaboy sa Metro Manila. Ibinubunyag ng Sona na ang ating naghaharing uri ay nabubuhay sa karangyaan at kagarbuhan na halos katulad ng korte ng Pransya bago ang dakilang Rebolusyong Pranses. Batid nating lahat kung ano ang kinahantungan nila nang mag-alsa ang plebeyong mamamayan ng Pransya.

 

3. Ang Sona sa katunayan ay isang ulat sa mga kinatawan ng naghaharing uri – sa mga trapo, kapitalista, asendero at mga alalay nila. Ang angkla nito ay pagpapanatili ng sistema ng paghaharing elitista habang namumudmod ng mga pampalubag-loob sa masa. Sa kalagayan na ang naghaharing uri ay nagkakawatak-watak din (may labanang PNoy at Gloria, may kampo ni PNoy at mga bataan ni Enrile, Estrada at Revilla), ang Sona ay isa ring pagtatangka na pagkaisahin ang buong naghaharing uri (kabilang ang mga nasa mayorya at minorya sa poder, at pati na ang mga wala sa poder).

 

4. Tingnan natin ang paghahambog ng Pangulo sa ilang accomplishment ng kanyang gobyerno. Makikita rito ang balangkas na hindi lumalayo sa pagsusulong ng neoliberal na programa ng gobyerno, habang sadyang kinaliligtaan ang mga batayang isyu na nagpapahirap sa masa. Umani ng suporta sa halos lahat ng trapo at mga alalay nila – magkaaway o hindi – ang Sona ng Pangulo. Halos isandaan itong pinalakpakan ng mga kinatawan ng naghaharing uri na nagtipon sa Batasan.

 

Accomplishment sa pagkakaloob ng trabaho

 

1. Ayon kay PNoy, ito ang nagawa ng Tesda (Technical Education & Skills Development Authority) mula sa pondong galing sa DAP (Disbursement Acceleration Program) na nagkakahalaga ng P1.6 billion. Dahil dito, nagpatapos ng 223,615 na beneficiaries ang Testa. 66% nito ay may trabaho na at ang natitirang 34%% ay inihahanap pa.

 

Ang 34% ay malaki nang porsyento ng walang trabaho sa mga napagtapos ng Tesda. Kung sa Tesda pa lamang ay ganito na, paano pa kaya sa buong bansa? Ito ang hindi binanggit ng Pangulo.

 

2. Ang unemployment rate ngayon sa Pilipinas ay 7%, isa sa pinakamataas sa Asia at kahit sa buong mundo. Ibig sabihin, 3 milyon ang opisyal na walang trabaho (mula sa 41.5 milyon na labor force, ayon sa April 2014 government statistics). Ang unemployment rate ay halos naburo na sa 7% mula pa 2012. Ang underemployed naman ay 7 milyong Pilipino (18.2% ng labor force). Ibig sabihin, 10 milyon o 25% ng labor force sa Pilipinas ang walang trabaho o kulang sa trabaho.

 

3. Ano ang solusyon dito ng gobyerno ni PNoy?

 

4. Ang sabi lamang ng Pangulo, mula Abril 2013 hanggang Abril 2014, may nalikhang 1.65 milyon na trabaho. Gayunman, nanatiling 7% pa rin ang unemployment rate, o 3 milyon pa rin ang walang trabaho. Walang nakapagtataka dito kung iisipin na hindi mabigyan ng trabaho kahit ang maraming gradweyt sa kolehiyo. Isa pa, paulit-ulit lamang ang “nalilikhang” trabaho dahil sa sistema ng kontraktwalisasyon (tanggal ang manggagawa bago mag-anim na buwan, at may re-hiring o ‘bagong trabaho’ na nangyayari).

 

5.  Sa halip na ‘accomplishment’ ng Tesda dapat binanggit din ng Pangulo ang buong kalagayan ng edukasyon sa bansa. At nagsisimula ito doon pa lamang sa kalagayan ng mga Pilipinong pamilya na ipagpatuloy ang edukasyon ng mga bata. Maraming bata ang maagang natitigil sa pag-aaral. Sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), halimbawa, apat sa bawat 10 bata (o 40%) ang hindi nakatutuntong ng Grade 6. Sa iminandato ng United Nations (sa ilalim ng Millenium Development Goals) na dapat na porsyento ng mga nakatapos sa elementary education, lahat ng mga rehiyon sa bansa ay pumalya liban sa Metro Manila (na may porsyentong 85.6% na napagtatapos).

Ang expanded conditional cash transfer (CCT) program

 

1. Sabi ni PNoy, tagumpay daw ang CCT, lalo’t napalaki nito ang badyet ng P12.3 bilyon mula June 2014. Naibaba raw nito ang poverty rate mula 27.9% noong unang semestre ng 2012 tungong 24.9% sa unang semestre ng 2013. Kung kukunin sa batayan ng 100 milyong populasyon ngayon sa bansa, ang 24.9% na nagdadanas ng kahirapan ay 24.9 milyong katao pa rin!

 

2.  Pero ang matindi. Sa huling sarbey ng SWS nitong Hulyo kung saan tinanong ang mga tao kung ituturing nila ang kanilang sarili na naghihirap, 55% ang nagsabing oo.  Doon naman sa tinanong kung sila’y nakakaranas ng gutom (laging walang sapat na pagkain sa lamesa), 41% ang nagsabing oo.

 

3.  Sa likod din ng lumalalang poverty rate sa bansa ay ang lumalaking income inequality sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. Ang combined P760-billion net worth ng 10 pinakamayayamang Pilipino noong 2012 ay katumbas naman ng combined annual income ng 3.24 milyon na pamilyang Pilipino sa nasabing taon.

 

Perang pambayad-utang

 

1. Napaigi raw ang debt management ng bansa dahil ang utang natin ay lumiit kumpara sa GDP (gross domestic product) ng bansa. Kaya ang pera na dapat daw ipambayad sa interes ng utang ay naisalin sa serbisyong panlipunan. Natugunan din daw ang obligasyon ng gobyerno na magpasok ng kapital para sa operasyon ng Central Bank of the Philippines. Kailangan daw ng P50 bilyon noon pang administrasyon ni Fidel Ramos, at P10 bilyon lamang ang naipondo nito. Ipinagmalaki ng PNoy na sa ilalim ng kanyang gobyerno, naipasok ang natitirang P40 bilyon.

 

2.  Sagot dito ng Freedom from Debt Coalition:

 

“Sampal ito sa mukha ng mga dapat makatanggap ng benepisyo mula sa mga programa at proyekto na napahinto dahil kailangang likumin ang P40 bilyong pondo. Hindi lamang walang urgency sa nasabing recapitalization, pagbibigay din ito ng pera sa [Central Bank] na nagyabang na nakapagpautang sa International Monetary Fund’s Financial Transaction Plan (IMF-FTP) mula sa sarili nating reserbang dolyar. Dalawang beses na bira din ito sa Kongreso. Una, noong i-realign ng administrasyong PNoy ang badyet sa pamamagitan ng DAP para malikom ang P40 bilyon. At ikalawa, noong ipagkaloob ito sa Central Bank na… nagpautang sa IMF ng katulad na halaga nang hindi dumaan sa pahintulot ng Kongreso. Nais pa ni PNoy na ibigay ang pera sa Central Bank na hindi naman talaga kailangan ang pera, kaysa ibigay ito sa mamamayang Pilipino na gumugulong na sa pinagdaanang sunud-sunod na mga kalamidad.”

 

3.  Dito maliwanag ang punto de-bista ng gobyernong PNoy na nakatali pangunahin sa pangangailangan ng naghaharing uri sa bansa. Kailangan nilang pagbigyan ang IMF para mapataas ang credit rating ng bansa (at sa gayo’y mapaliit ang interes sa susunod na mga utang). Pero mga utang na para kanino? Hindi para sa masa, dahil ang pondong naririyan na nga ay ginamit hindi sa social services kundi sa Central Bank na nagpautang nito sa mga dayuhan! Paikut-ikutin man ang transaksyong ito, ang nakinabang pa rin ay mga kapitalistang Pilipino at mga dayuhang kasosyo.

 

Foreign direct investment

 

1. Ipinagmalaki ni PNoy na kung susumahin ang mga investment na pumasok sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) mula 1995, makikita na ang 42% nito ay pumasok noong unang apat na taon ng kanyang admiistrasyon.  Ikumpara ito sa 15 taong ginugol ng nagdaang mga administrasyon para makuha ang 58% na investments.

 

2.  Ang itinago ni PNoy ay hindi pa rin matatapatan ng foreign direct investment (FDI) ang inaakyat na remittances ng mga OFWs na umaabot ng $8 bilyong dolyar taun-taon. Noong 2013, ang FDI ay $3.9 billion lamang, kahit isa na ito sa pinakamataas na inabot ng FDI sa panahon ni PNoy.

 

3. Hindi kataka-taka na para sa pagsasalba sa ekonomiya, ang patakaran pa rin ng gobyernong PNoy ay labor exportation. Hindi ito paglutas ng unemployment sa sariling bansa at pagmomodernisa ng sariling industriya para makapag-employ pa ng maraming manggagawa sa loob ng bayan.

 

Isang welga lamang

 

1. Ipinagmalaki ni PNoy ang ‘magandang balita’ na sa 115 strike notices na isinampa sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong 2013, isa lamang ang natuloy na welga. Patunay daw ito ng magandang klima ng industrial relations at tagumpay ng conciliation-mediation ng DOLE.

 

2. Dito ganap na makikita ang kapitalistang utak ng gobyerno. Ang pagkakaroon ng isa lamang welga ay hindi senyales ng magandang relasyon sa industriya. Senyales ito ng pagkasiphayo ng mga manggagawa na epektibong ipaglaban ang sariling karapatan laban sa mapaniil na mga kalagayan sa paggawa. Senyales ito ng mga batas at regulasyon sa paggawa na nagpapahina sa paglaban ng mga manggagawa. Maaaring magdeklara ang DOLE, sa mga teknikal na batayan, na ilegal ang isang welga at kung gayon ay matanggal agad sa trabaho ang lahat ng nasasangkot dito. Paulit-ulit na nangyari ito sa mga welga noong nagdaang taon, kaya nababahala ang mga unyon sa paglulunsad nito.

 

3.  Sa halip na magbunyi sa kawalan ng kakayahan ng manggagawa na lumaban, dapat inihayag ni PNoy ang kinahitnan ng concialition-mediation ng DOLE sa mga kasong isinasampa ng mga manggagawa. Hindi man lamang pinansin na halos linggu-linggo na ang protesta ng mga manggagawa sa harap ng NLRC at DOLE dahil sa kawalang-aksyon o di-makatwirang desisyon ng mga labor arbiters sa kasong isinampa ng mga manggagawa. Dagdag pa ang corruption sa NLRC at DOLE na ipinagwawalambahala ng administrasyong PNoy dahil hindi naman ito ang prayoridad ng Pangulo.

 

Wala nang corruption sa DPWH?

1. Sabi ni PNoy, sa ilalim ng liderato ni Secretary Babes Singson ng Department of Public Works and Highways (DPWH), wala na raw kickback at overpricing sa mga proyekto. Inayos na raw ang bidding process para sa mga proyektong infrastructure ng gobyerno.

 

2. Ang hindi binanggit ni PNoy, kamakailan, nagkabukuhan na naman sa corruption sa DPWH. Kaugnay ito ng bidding sa Cavite-Laguna Expressway (Calax) project. Sa bidding process, dinisqualify ni Singson sa teknikal na batayan ang San Miguel Corporation, at ibinigay ang proyekto sa grupong Ayala/Aboitiz. Dito isiniwalat ng San Miguel na ang bid nila sa proyekto ay P20.1 billion o hamak na mas malaki ng P8.45 billion kaysa naging bid ng Ayala/Aboitiz group na P11.65 billion lamang.

 

3. Nakapagtataka kung sasabihin ngayon na walang hokus-pokus sa ginawa ng DPWH dahil maliwanag na mawawalan ang bayan ng higit P8 billion. Dahil dito, napilitan ang Malakanyang na isuspinde muna ang proyekto. Kung saan ito hahantong ay nakasalalay sa kompromisong ihaharap ni PNoy sa dalawang higanteng monopolyo sa bansa.

 

Ang Public-Private Partnership program

 

1.  Ipinagmamalaki ni PNoy na mula Disyembre 2011 hanggang June 2014, ang gobyerno ay nakipagkontrata na ng pitong PPP projects sa pribadong sektor na nagkakahalaga ng P62.6 bilyon. Sa apat na taon niyang administrasyon, nalampasan na raw ang anim lamang na inaprubahang PPP projects ng nagdaang tatlong administrasyon.

 

2. Bago ang lahat, ano ba itong PPP?

 

3. Kay PNoy, ang PPP at good governance = success. Pero sa katunayan, ang PPP ay kabalintunaan ng good governance. Sapagkat ang PPP ay paggamit ng pondong publiko para payamanin pa ang mga dambuhala at monopolisadong kapitalistang negosyo.

 

4.  Sa PPP, kikita raw ang gobyerno dahil ang gagasta sa proyekto ay ang private sector. Kaya iniyabang ni PNoy na ang winning bidder sa Mactan-Cebu International Airport Passenger Terminal Building ay nagbayad sa gobyerno ng P14 billion. At ang private contractor naman sa NAIA Expressway Project Phase 2 ay nagbigay ng P11 billion.

 

5. Sa pagsusuri ng isang independent researcher (http://arnoldpadilla.wordpress.com/2014/07/29/deceptive-ppp-claims-in-sona/), ang gobyernong Aquino ay nagkakaloob sa PPP ng mga insentibo at perks na disbentahe sa gobyerno at sa bayan.

 

6. Ang P64.9-billion LRT Line 1 Extension project halimbawa, isang PPP contract na ipinagkaloob sa Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) at Ayala Corp., ay isang sweetheart deal. Hindi lamang gagarantiyahan ni Aquino ang mga utang ng MPIC-Ayala. Ipangungutang din ng gobyerno ang P34.9 bilyon o 54% ng project cost para sa right of way acquisition, additional coaches, atbp. Babalikatin din ng gobyerno ang pagbabayad ng amilyar na tinatayang may P64 billion sa buong buhay ng kontrata. Labas pa ito sa P5-billion startup subsidy na ipagkakaloob ng gobyerno. Sa kabuuan, ang direktang gastos sa gobyerno ay halos P104 billion at P30 billion lamang ang magiging gastos ng MPIC-Ayala.

 

7.  Isa ring paglapastangan sa interes ng bayan ang guaranteed profit ng MPIC-Ayala sa pamamagitan ng otomatik o panapanahong pagtaas ng pasahe sa loob ng 32-taon ng kontrata (na maaari pang palawakin hanggang 50 taon). Kung hindi makokolekta ng MPIC-Ayala ang pinagkasunduang pasahe, sasagutin ng gobyerno ang diperensya. Tinatawag ito ni PNoy na regulatory risk guarantee, isang garantiya ng gobyerno na hindi pa nangyari sa tatlong-dekadang kasaysayan ng public-private partnership sa Pilipinas. Kaya kahit ang P9.5-billion premium na ipinangako ng MPIC-Ayala na babayaran nila para makuha ang konsesyon ay tinga lamang.

 

8.  Ganito rin sa ipinagmamalaki ni PNoy na P17.52-billion Mactan-Cebu airport expansion. Ang P14 billion na ibinayad ng consortium ng Megawide (Henry Sy) at Indian partner nito na GMR ay mani lamang ikumpara sa windfall profit na tatabuin nila sa pagpapatakbo ng airport. Ginarantiyahan ng gobyerno ni PNoy ang tubo ng consortium. Kabilang sa deal ang 25-taon na pagbabawal sa pagtatayo ng iba pang airport at kaugnay na mga negosyo sa Mactan at Cebu. Mayroon ding 25-taong moratorium sa pagtatayo ng anumang kakompitensyang car park facility o hotel sa loob ng 500-meter radius ng proyekto. Patatakbuhin ng Megawide-GMR ang airport sa loob ng 25 taon, at magkakaroon ito ng absolutong monopolyo sa air passenger terminal at kaugnay na mga serbisyong garantisado ng concession agreement.

 

9. Sa kaso naman ng P15.52-billion NAIA expressway project, maniningil ang San Miguel Corp. ng P35-45 na toll fees. Sa tinatayang 150,000 hanggang 160,000 na mga sasakyang dadaan dito kada araw, aabot sa P1.92 hanggang P2.63 billion ang taunang kita. Ang concession agreement ay may bisang 30 taon, at ang SMC ay ginagarantiyahan ng gobyerno na mabawi ang project cost at premium capital sa loob ng 10 taon. Kaya, 20 taon naman ng paghamig ng mga tubo. Ang recovery period sa gastos ay maaari pang paikliin ng toll hikes at paglaki ng traffic volume. Para sa SMC, the NAIA expressway ay mayroon ding estratehikong halaga. Magbibigay ito ng access sa NAIA terminals, kung saan may ganansya para sa SMC air transport. Mag-uugnay din ito sa SLEX/Skyway at sa Manila-Cavite Toll Expressway. Ang SMC, kabilang ang Indonesian partner na Citra, ang may kontrol ngayon ng SLEX/Skyway at ang NAIA project ay lalo pang magpapatibay ng posisyon nito sa road transport sa lugar.

 

10.  Ang mga lokal na oligarkiya at mga kinatawan ng dayuhang interes sa bansa gaya ng Ayala family, Henry Sy, Danding Cojuangco, Manny V. Pangilinan (MVP), Ramon Ang, at iba pa ay lumalahok sa PPP hindi dahil gusto nilang tugunan ang ating pangangailangan sa infrastructure, kundi dahil sa dambuhalang tubo. Ito ang dahilan kung bakit sila rin ang pinakamayayamang tao sa mundo. Sa listahan ng Forbes sa pinakamayayamang Pilipino ngayong 2014, si Henry Sy at ang pamilya nito ay nagtamo ng net worth na $12 billion habang si Jaime Zobel de Ayala at pamilya nito ay $3.1 billion; si Danding, $825 million; Ramon Ang, $260 million; at si MVP, $105 million.

 

11. Ang mga oligarchs na ito ang mga kauri ni PNoy, mga pangunahing pinagsisilbihan ni PNoy, at tinatayang mga kasosyo rin ng PNoy at ng kanyang angkang Cojuangco-Aquino.

 

12. Sa Sona, inilista rin ni PNoy ang top infrastructure priorities ng kanyang gobyerno, na marami ay kontrobersyal dahil sa social cost at impact ng mga ito. Kabilang dito ang P150-billion Laguna Lakeshore Expressway Dike, ang P18.72-billion Kaliwa Dam, at ang Clark Green City, na pinangangambahang magdudulot ng malawakang demolisyon ng mga lokal na komunidad at pagkawasak ng kalikasan.

 

Kasinungalingan sa rehabilitasyon

 

1. Sabi ni PNoy, mabilis daw kumilos ang kanyang gobyerno para sa mga nasalanta ng kalamidad. Sa Zamboanga, makababalik na sa permanent housing units sa Martha Drive Subdivision ang mga nawalan ng tahanan. Hindi binanggit ni PNoy na higit 25,000 nila ay nasa mga evacuation center pa.

 

2. Nang marinig ito ng mga nasalanta, agad silang tumungo sa Martha Drive Subdivision pero ang dinatnan nila ay mga tambak ng hollow blocks, buhangin at mga bato. Napag-alaman nila na niloko lamang sila at matatapos lamang ang pagtatayo ng kanilang mga bahay sa Disyembre o sa susunod na taon.

 

3. Sabi ni PNoy, meron na rin daw LGU Rehabilitation and Recovery Plan para sa Cebu, Iloilo, Eastern Samar, Leyte at Tacloban City. Ito ay tugon sa mga sinalanta ng super-typhoon na Yolanda.

4. Sinabi naman ng grupong Surge, isang consortium ng mga international aid agencies, na ang mga survivor ng Yolanda – marami ay nakatipon sa mga tolda – ay hinagupit na naman ng bagyong Glenda.  8% lamang ng mga evacuation centers (53 mula sa 643) ang nagagamit sa Eastern Samar sabi ng International Organization of Migration (IOM). Hanggang ngayon, ang mga survivor sa mga komunidad na nasalanta ay wala pa ring permanenteng relokasyon at walang paraan ng pagkakakitaan ng kabuhayan.

 

Seguridad ng bansa

1. Ipinagmalaki din ni PNoy na ang DAP ay ginamit para maitulak ang modernisasyon ng AFP. Nagkaroon ng bagong mga makinaryang pandigma, gaya ng 8 Sokol Combat Utility Helicopters, 3 AgustaWestland-109 helicopters, at ang unang landing craft utility ship na BRP Tagbanua. May dumating na ring 4 na refurbished UH-1 helicopters at 2 navy cutters.

 

2. Sabi ng isang taga-AFP, ang unang recipient ng DAP ay ang Presidential Security Group (PSG) ni PNoy. Ginamit ang pondo para magpatayo ng mga bagong pabahay, bumili ng mga bagong kotse, baril, digital radios, at iba pang modernong gamit. Ang bagong mga helicopter at 12 lead-in fighter trainers ay galing pa sa pondo ng nagdaang administrasyon sa ilalim ng Capability Upgrade Program phase 2 na may alokasyong P75 billion para sa 5 taon.

 

Nakabitin na repormang agraryo

 

1. Sa Sona, nagpalusot naman si PNoy sa kabiguan ng kanyang repormang agraryo. Sinabi niya na hindi mailarga nang todo ang repormang agraryo dahil kapos sa mga datos. Ang Cadastral Survey na nagtatakda ng lupaing ari-arian sa bawat bayan, syudad, at probinsya ng Pilipinas ay ginawa pa raw noong 1913. Kaya ang naipapamahagi lamang na lupa ay iyong madaling ipamahagi, gaya ng mga lupang pampubliko o lupang nagkaayusan na ang mga magsasaka at mga may-hawak ng titulo.

 

2.  Para sa isang pangulo at angkan na ibinitin-bitin ang pamamahagi ng lupa sa sariling Hacienda Luisita (kahit na ito ay matagal nang ipinag-utos ng batas), halatang-halata na gumagawa na naman ng paraan para ibitin ang repormang agraryo. Ngayon ang problema naman ay cadastral survey!

 

3.  Ang problema sa repormang agraryo ay hindi natugunan ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) na inilunsad pa bilang banner program ni Cory Aquino, ina ni PNoy. Hindi dahil sa cadastral survey nabahura ang CARP. Tadtad ito ng butas para lusutan ang direktang pamamahagi ng lupa, gaya ng stock distribution option, leaseback, voluntary land transfer, exemptions sa coverage, at land valuation batay sa “fair market prices”.

 

4. Pagkatapos ng CARP, itinuloy ito sa ilalim ng Carper (extension with reforms) noong 2009. Pero ganoon pa rin ang problema nito. Ang nasaklaw lamang nito sa pangunahin ay mga pampublikong lupain at ang malalaking lupaing pinagtatamnan halimbawa ng asukal at niyog ay hindi nasaklaw. Sa mga commercial farms, ang implementasyon ay ginawa sa mga paraang gaya ng leaseback, voluntary land transfer at stock distribution option na nagpanatili lamang ng kontrol ng corporate landowners sa lupain at sa operasyon ng mga sakahan.

 

5.  Dahil dito, marami sa mga ipinamahaging lupain, kabilang ang OLT (Operation Land Transfer) noong panahon pa ni Marcos, ay natipong muli sa mga asendero. Maraming napwersang magbenta o mag-mortgage ng kanilang lupain at bumalik sa kasama system na siyang umiiral bago pa ang CARP.

 

6.  Niloloko na naman ni PNoy ang mga magsasaka kung sasabihin niyang cadastral survey lamang ang problema. Kailangan ang ganap na pamamahagi ng lupa sa lahat ng lupaing agricultural, aquacultural, at lahat ng alienable at disposable na lupaing publiko;  ang selective at progressive na kompensasyon sa mga asendero batay sa tax declaration nila sa halaga ng lupa; ang hindi pagpapabayad sa mga benepisyaryo (o discounted amortization ng lupa batay sa kwenta ng halaga ng paggawang ginugol ng magsasaka sa pagbubungkal ng lupa); at ang ganap na subsidyo at pagkakaloob ng pantulong na serbisyo ng gobyerno para sa pagpapaunlad at pagmomodernisa ng pagsasaka. Lahat ito ay malayo sa isip ng asenderong si PNoy.

 

Kawalan ng universal health care

 

1. Isa sa matagal nang panloloko ng gobyernong PNoy ay ang pagdedeklara na mayroong “universal health care” sa kanyang gobyerno. Inulit na naman niya ito sa Sona.

 

2.  Walang universal health care sa gobyerno ni PNoy. Mayroong PhilHealth, isang insurance system, na ngayon ay pinalaki pa ang hulog kada taon. Limitado ang coverage ng PhilHealth at hindi covered ang doctor’s operation fees at mga gamot na kailangan ng pasyente.

 

3.  Ang universal health care system ay ‘universal’ sa maraming dahilan. Una, universal ang coverage, kaya ito ay hindi lamang pagpapa-ospital, kundi operasyon at mga gamot hanggang gumaling ang pasyente. Ikalawa, universal dahil lahat ng tao ay covered nito (hindi pinipili kung mahirap, middle class o mayaman). Ikatlo, universal dahil hindi nakaasa sa insurance system (batay sa inihulog) kundi may full subsidy ng gobyerno. Mayroon nito sa mga kapitbahay nating bansa, gaya ng Singapore, Malaysia, Vietnam, at Thailand. Lalong-lalo na sa mga bansang sosyalista gaya ng Cuba at mga bansang nagtatayo ng sosyalismo gaya ng Venezuela, Bolivia, at Ecuador. Wala nito sa Pilipinas.

 

4. Ang kawalan ng universal health care sa bansa ay nagpapanatili ng kalagayan kung saan nabibiktima ang mahihirap na mamamayan, pangunahin na ang kababaihan. Sa average, may taunang namamatay na 65 na ina sa bawat 100,000 nagsisilang ng sanggol. Isa ito sa pinakamataas na bilang ng maternal death sa mundo.


Pagsusuma

 

1.  Sa Sona, bagamat hindi espesyal na binanggit ang DAP, isinignal ng Pangulo na isusulong na lamang ito, hindi sa pamamagitan ng paghihintay sa kahihinatnan ng apela sa Supreme Court, kundi sa paggawa ng P500-billion lump-sum bill na ipapaaproba sa Kamara at Senado. Gagamitin ni PNoy ang kanyang patronage sa buong Kongreso (na binusog sa DAP) para mapanatili ang pork-barrel system at syempre pa, ang maliligayang araw ng mga trapo.

 

2. Marami ring makabuluhang isyu na iniwasan ni PNoy sa kanyang Sona. Isa na rito ang Freedom of Information na binibitin-bitin ni PNoy sa maraming palusot (paano raw ang internal security information, at iba pa). Bumawi si PNoy pagkatapos ng Sona at sinabing kasama naman sa 26 priority bills ng Malakanyang ang FOI. Malamang mailusot ang FOI, pero siguradong ito’y magiging water-down version lamang ng tunay na freedom of information na hinihingi ng masa. Wala rin sa 26 priority bills ni PNoy ang dalawa pang mahahalagang panukala na hindi makalusot-lusot sa Kongreso at Senado. Ito ang anti-pork barrel bills at ang anti-dynasty bills.

 

3.  Sa katotohanan, makikilala ang gobyernong PNoy na isa na namang gobyerno na tadtad ng pork barrel, tadtad ng dinastiya, at walang transparency o freedom of information. Bukod pa sa isang gobyerno na nagsulong lamang ng mga neoliberal na patakaran para sa interes ng malalaking lokal at dayuhang korporasyon. At isa ring gobyerno na sunud-sunuran sa militaristang pagpapalawak ng Estados Unidos sa ilalim ng bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 

4. Sa dulo ng Sona, sinabi ni PNoy na ang tumututol lamang sa kanyang patakaran ay minorya. Totoo ito kung ang kinatawan ng naghaharing uri sa buong Kongreso at gobyerno ang kanyang tinutukoy. Minorya talaga ang tunay na kinatawan ng masa roon.

 

5.  Kaya sa kabuuan, ang Sona ni PNoy ay punto de bista ng mga naghaharing uri sa kalagayan ng bansa at mga dapat na paraan para panatilihin ang sistema ng paghaharing elitista sa bansa. Ang Sona ang paghagod ni PNoy sa interes ng kanyang uri. Wala itong binago sa mga patakaran ng gobyerno na umiinog pa rin sa mga neoliberal na patakaran ng pribatisasyon, deregularisasyon, liberalisasyon ng ekonomiya, at kontraktwalisasyon para sa mga manggagawa. Dahil dito, umani ang Sona ni PNoy ng walang patumanggang palakpak mula sa mga kinatawan din png kanyang uri. Magka-kampo, magkaaway o magkakaribal man sila, batid ng bawat isa na ang pananatili ni PNoy ay pananatili ng kanilang paghahari. #

 

Partido Lakas ng Masa (PLM)

July 31, 2014

 

 
SONA JULY 28,2014 PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Monday, 28 July 2014 18:20
IMG_1620
Last Updated on Monday, 28 July 2014 18:31
 
PLM on Akbayan's Defense of its Coalition Politics PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Monday, 21 July 2014 21:30

An initial response to Akbayan’s defense of its coalition politics

 

Akbayan's article in the Sunday's Philippine Daily Inquirer (July 20, 2014, p. A14) stresses the importance and need for coalition politics. Leaving aside the rather patronizing tone, the article is also revealing in what it doesn't say.


Akbayan is in a ‘coalition government’ with the ruling party, so this is clearly no ordinary coalition. This is a coalition with the ruling class in power and therefore has grave consequences for the progressive movement, the masa, and the entire nation.

 

The political character of the government

The question was also posed right from the beginning: What is Akbayan coalescing around? What is the political platform of this so-called coalition government? If you are in a coalition government, you should be clear on what is the reform agenda of this government.


Many of us in the Left believe that this is a government still wedded to a neoliberal economic program. Many of us believe that the government represents the interests of the elite. Does Akbayan agree with this, or not?


Pointedly, how does Akbayan assess the political character of the government? The article does not address this.

.
The article also defends Akbayan's decision to transform itself from a party of 'protest' to a party of 'governance'. Leaving aside the counter position of ''protest' and 'governance', any political party worth its salt should aim to be in power – to be the government. The critical question is: Do you win government to work within and limit yourself to the existing system, or do you win government so that you can fundamentally transform the existing system?

Partido Lakas ng Masa (PLM) believes that we should win government to fundamentally change the system.

 

Governance and power

We also understand that being in government (‘governance’) and being in power are different things. Power also resides outside government, such as corporate power and the economic and military power of imperialist nations, which use their might to intervene in governments in order to protect their vested interests.


The woeful inability of Akbayan to contest and hold back the neoliberal economic agenda of the current government is testimony to this. Akbayan might have some positions in government, but to imagine that this is the same as winning government or being in power is to fool oneself and your supporters. To defend its line by arguing that it's trying to influence the direction of government is farcical. The fact is that Akbayan is unable to influence the direction of government to the extent that it claims it can. Akbayan’s record under the PNoy presidency demonstrates this. You merely end up becoming co-opted in the system.


If you are using your positions in government for your own political purposes, such as access to resources to build your base, that's a different matter. But please don't claim that the aims are to influence and change government policy, and so on and so forth.

Some international examples

And we too study international events and examples. We believe that in Bolivia and Venezuela today, we have socialist parties and forces who have actually won government and are using this power to implement anti-neoliberal policies and change the system. This also includes mass mobilizations on a massive scale and people’s power participation in government. Here 'protest' and 'governance' are combined in a unified strategy and are not mutually exclusive.


In contrast, we also have the experience of the PT in Brazil and the ANC in South Africa, which are governments implementing pro-market neoliberal policies. These are traditionally considered to be progressive and Left parties which were able to win government.

The problem is the system
Our differences with Akbayan are also linked to an assessment of the nature of the economic and political system. Akbayan believes, according to the article, that the system has 'limitations'. We, on the other hand, believe that the system itself is the fundamental problem. The system cannot be reformed. It needs to be replaced in order to implement meaningful and far-reaching changes.


These debates are as old as the hills -- as old as the debates from the time of Karl Marx and onwards. Whether the capitalist state can merely be reformed, or whether it must be replaced with a fundamentally different type of state which represents the interest of the masses, was the historical dividing line between what came to be known as the social democrats and the revolutionary socialist currents in the international workers movement. Akbayan’s positions on this question have been ambiguous. The Inquirer article, however, further clarifies the PDSP-type social democratic leanings or character of Akbayan today.


As for electoral reform, we urge Akbayan to support and campaign for the anti-dynasty bills, the anti-DAP and anti-pork bills, the freedom of information bills, the genuine agrarian reform bills which are now key electoral reforms ignored by the president and the ruling party. Where does Akbayan stand on these key questions?

 

On the Disbursement Acceleration Program

Akbayan has openly supported President Aquino’s use of the DAP. The problem with DAP is that it is a scheme that reinforces political patronage, expands the “presidential pork” and tramples on the legislative’s prerogative to apportion the national budget. While we campaign for people’s right to participate in national budgeting and in law making, the DAP itself was a huge setback to the democratic principle, however limited, of the right of elected representatives’ to determine and allocate public funds.

 

So it is unconscionable for Akbayan not only to refuse to demand accountability from the President, but to even taunt and ridicule all those who support calls for the President’s impeachment.

 

On compromises

There are compromises and compromises. There should be a framework to base these compromises. Compromises that benefit and advance only the interest of a select few, such as Akbayan’s people in Cabinet and in government, are by no means principled.  One of the main and guiding principle in opening up compromises should be whether it advances the interests and the struggles of the masses in general. Otherwise one ends up compromised and becomes opportunistic.

We don’t need lectures on compromises in coalition politics. Right now we need accountability from Akbayan on its role and activities in government, not just a superficial defense of its ‘tactics’. There has been no such accountability from this government, let alone the Akbayan leaders who are now in Cabinet and in leading positions in government.

 

Akbayan also asks us to keep hoping. In whom? The President and Akbayan? For what? For a miracle that the government will fundamentally change its course and genuinely address the dire needs of the masses? 

A pragmatic plea

The article claims that this is not the politics of pragmatism but politics based on idealism. To ask us to continue to hope under these increasingly desperate socio-economic conditions, however, seems like a pragmatic plea to continue supporting Akbayan’s coalition with this government.

 

The masses are losing hope and large numbers have already lost hope in this government. So is Akbayan trying to say that we should ask the masses not to lose hope in this government? We cannot do that when we believe the masses have the right to think that this government is a hopeless one. This line of asking them to keep up their hopes in this government, will end up derailing the mass struggle, with disastrous consequences for the masses.

 

In fact, our responsibility is not to ask them to hope for a miracle, but to develop a genuine alternative to this government of elite rule and neoliberal economics. This is the big challenge that the Left faces today.

 

Partido Lakas ng Masa

July 20, 2014

 

 
« StartPrev12345678910NextEnd »

Page 1 of 43

A new party is born. A party for our times.

A party of Change! A party of Socialism!


“Pare-pareho lamang silang trapo!
Mangungurakot na naman yan!
Bobolahin na naman nila tayo!”


Sounds really familiar. We have heard this expression from people of all walks of life time and again. An automatic response, when one is asked about a certain politician or politicians in general.

For decades, generations of politicians from the same clan and some new ones have been deceiving the masses. Every election for them has been an opportunity to make more promises. And after every election, all these remain just that – promises.

Read more...

Announcements

asfasfa
Poster
PLM Radio Program
asgaahsdfj
plm_poster_congress_copy

Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday319
mod_vvisit_counterThis month13953

Your IP: 54.226.154.116
,
Today: Aug 23, 2014